Dinomina ng Boston Celtics ang laban nito kontra sa Miami Heat sa tulong ng 54% shooting, sa score na 129-116.
Dinomina ng Boston ang buong laban sa pangunguna ng all-around player na si Jaylen Brown na nagbulsa ng 30 points, siyam na rebounds, at pitong assists. Ipinasok ni Brown ang sampu sa kaniyang 11 free throws, kasama ang dalawang 3-pointer.
Gumawa rin ng 33 points ang shooter na si Derrick White sa tulong ng siyam na 3-pointers.
Sa Miami, tanging si Kel-El Ware ang nakagawa ng impresibong shooting performance matapos ipasok ang walo sa kaniyang 12 field goal attempts. Anim dito ay pawang mga 3-pointer.
Pawang below 20 points na ang nagawa ng iba pang player ng koponan.
Sa panalo ng Boston, nagawa nitong magposte ng walong blocks habang isa lamang ang naging kasagutan ng Miami. Muling ipinakita ng 2024 NBA champion ang defensive masterpiece sa panalo nito kontra sa Heat.
















