-- Advertisements --

Bumisita at nag-courtesy call ang mga tauhan at ang mismong commander ng United States Navy Carrier Strike Group 5 sa mismong Philippine Navy Headquarters nitong Biyernes, Hulyo 4.

Pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio ang mainit na pagsalubong kila Carrier Strike Group 5 Commander Rear Admiral Erice Anduze at sa mga tauhan nito.

Ang pagbisita ng carrier strike group 5 ay kasabay ng kanilang selebrasyon sa US Independence Day at ng Philippine-American Friendship day kung saan muli nilang pinagtibay ang kanilang pakikipabahagi sa pagpapalakas ng kooperasyon at maging ng maritime security sa Indo-Pacific region.

Samantala, sa naging pagbisita naman ng US Navy ay nagkaroon din ng mga talakayan na siyang nakapokus sa nagpapatuloy na at sa mga sususnod pang mga joint activities gaya ng mga naval exercises, ship visits, at mga oportunidad na siyang maglalapit pa sa koordinasyon ng Pilipinas at US sa pagssagwa ng mga operasyon, pagsasanay at maging sa pagkamit ng modernisasyon.

Nagpasalamat naman si Anduze sa naging mainit na pagtanaggap ng Philippine Navy sa kaniya ay sa kaniyang mga tauhan at binigyang diin ang mahalagang trabaho ng mga pilipinong marino sa pagpapalakas ng kasanayan ng US Navy.

Kasunod nito ay nagumpisa na rin nitong Biyernes ang port visit at pagiikot ng aircraft carrier USS George Washington sa Pilipinas at maging sa katubigan ng West Philippine Sea bilang bahagi ng kanilang pagpapatrolya sa Indo-Pacific Region.