Umarangkada ngayong araw ang pagbubukas ng 2nd iteration ng Cope Thunder Exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at ng United States Air Force sa Clark Air Base, Mabalacat, Pampanga.
Layon ng pagsasanay na palakasin pa ang operational activities at maging ang kahandaan ng PAF sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa sa mga pagsasanay.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, maliban sa mga exercises ay layon din nito na magkaroon rin ng palitan ng kaalaman at impormasyon sa pagitan ng dalawang hukbo pagdating sa mga larangan ng air operations, disaster response at maging ground operations.
Bahgi rin ng patuloy na pagsailalim sa modernisasyon ng PAF ang naturang pagsasanay dahil ito ay nakikitang magbubukas ng mga oprtunidad na makagamit at makahawak ng mga makabagong teknolohiya mula sa mga defense ally ng Pilipinas gaya ng Estados Unidos.
Samantala, inaasahan naman na mas mapapalakas pa ng isasagawang military drills ang regional stability at ang seguridad ng Indo-Pacific Region.