-- Advertisements --

Nakatakdang matanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang limang bagong S-70i Black Hawk helicopters sa Nobiyembre 6.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Christina Basco, na-deliver ang mga aircraft noong Oktubre 20.

Pumasa naman aniya ang mga Black Hawk helicopter matapos isalang sa technical inspection at acceptance committee inspection mula Oktubre 22 hanggang 28.

Daan ito para pormal nang tanggapin ng PAF ang mga helicopter sa susunod na linggo.

Isasagawa ang seremoniya para sa pagtanggap, turn-over at pagbasbas sa naturang mga aircraft sa Presidential Air Wing Hangar ng Villamor Air Base sa Pasay City kung saan magsisilbing guest of honor si Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ang limang aircraft ay ang ikaapat na batch mula sa 32 Black hawk unit acquisition order na nilagdaan noong 2022.

Ang S-70i helicopters ay kilala para sa versality nito o maraming paggagamitan, bilis at reliability sa iba’t ibang misyon gaya ng search and rescue operations at emergency medical services.