-- Advertisements --

Hindi pa rin iniaalis ng Philippine Air Force (PAF) ang posibilidad na mayroong naging human error sa naging pagbagsak ng isa sa apat na Super Huey helicopter sa Agusan del Sur nitong Martes, Nobyembre 4.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Christina Basco, isa ito sa mga iniimbestigahan ng mga otoridad maliban sa iba pang salik gaya ng weather condition at maging ng mechanical error.

Binigyang diin rin ng PAF na kabilang sa kanilang Standard Operating Procedure (SOP) ang pagsususri ng klima at hangin sa lugar bago mag-take off upang matiyak na magiging ligtas ang paglalakbay ng mga personnel sa pagkakasa ng kani-kanilang mga operasyon.

Samantala, dalawa naman sa anim na crew na lulan ng naturang chopper ang sinusubukan nang kunin ng kani-kanilang mga pamilya pauwi sa kanilang lalawigan sa Mindanao habang ang apat naman ay idederetso muna sa Villamor Airbase.

Tiniyak naman ng Hukbong Panghimpapawid na ang mga nasawi sa insidente ay bibigyang pagkilala sa pamamagitan ng isang Heroes Honors dahil sa ipinamalas nitong galing at tapang na paglingkuran ang mamamayang Pilipino.