-- Advertisements --

Nagpaabot rin ng tulong ang Bureau of Customs (BOC) sa mga apektadong residente ng lindol sa Cebu gamit ang C130 ng Philippine Air Force (PAF) ngayong umga sa Villamor Airbase.

Naglalaman ng 100 sako ng bigas, 56 rapid emergency tents, higit 1057 na mga shortened tents, 50 units ng mobile power supply at iang portable toilet ang ahensya sa Cebu.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ito ay pawang mga paunang tulong pa lamang at inaasahan na magkakaroon pa ito ng pangalawang replenishment bilang baagi ng kanilang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga residente sa Cebu.

Ito rin ay bilang pagtalima sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawin ng bawat ahensya ang kanilang makakaya para mabigyan ng tulong ang mga residenteng apektado sa lindol.

Samantala, nagpasalamat naman si Nepomuceno sa PAF para sa paggamit ng kanilang C130 upang agad na maipadala sa Cebu ang mga paunang tulong na ito mula sa kanilang tanggapan.