-- Advertisements --

Pinuna at umani ng reaksyon ang sinasabing pahayag ng isang aktibong opisyal ng militar na pagbawi ng personal na suporta sa kasalukuyang pangulo ng bansa.

Nitong nakaraan lamang kasi ay kumalat ang umano’y pagbawi ng suporta ni Philippine Army Col. Audie Mongao kay Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Naniniwala ang chairman emeritus ng ilang civic society groups na si Dr. Jose Antonio Goitia na hindi ito simpleng usapin ng malayang pamamahayag lamang.

Ani kasi niya’y bagama’t karapatan ng isang indibidwal na tumutol, iba naman ang panuntunan pagdating sa mga nakaunipormeng opisyal.

Dito kanyang binanggit ang ‘timing’ ng umano’y pahayag nitong ika-9 ng Enero kung saan binawi niya ang personal na suporta sa nagsisilbing Commander in Chief ng bansa.

Ito’y dalawang araw lamang kasunod at magmula nang isagawa ang oath-taking ng mga bagong heneral kung saan hindi kabilang si Mongao.

Kanyang kinuwestyon ang naturang pahayag ng pagbawi ng suporta sa pinag-ugatan nito kung prinsipyo ba o personal na hinanakit lamang.

Subalit sa panig naman ni Philippine Army Col. Audie Mongao, isinumite na nito ang kanyang sarili pabalik sa military control ayon sa kanyang commander.