-- Advertisements --
Ikinasal na ang showbiz couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.
Sa social media account ng aktres ay ibinahagi nito ang ilang larawan ng pag-iisang dibdib nila nitong Marso 1 sa Amorita Resort sa Bohol.
Makikita rin sa video na ibinahagi nito ang paglalakad niya sa aisle sa isang beach wedding.
Dinaluhan nito ng mga malapit na kaibigan sa showbiz at kanilang mga kaanak.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga fans ng dalawa at mga kasamahan nila sa showbiz.
Noong Agosto 11, 2024 ng inalok ng aktor ng kasal ang nobyo sa PETA Theater Center sa Quezon ang lugar kung saan sila unang nagkakilala matapos ang isang taon.
















