Tuluyan ng itinaas sa pagiging full-pledge diocese ng Vatican ang Apostolic Vicariate ng Calapan, Oriental Mindoro.
Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) kasama na rin itinalaga si Moises Cueva bilang unang obispo sa lugar.
Kasabay din nito ay itinalaga ng Vatican si Msgr. Gerardo R. Saco Jr bilang bagong bishop ng Tagbilaran, Bohol.
Si Saco ay kasalukuyang diocesan administrator ng Tagbilaran.
Isinilang noong Oktubre 16, 1963 sa Tagbilaran City si Saco at nag-aral ng philosophy sa Immaculate Heart of Mary sa Tagbilaran City at theology naman sa San Carlos Seminary ng Cebu City.
Noong Abril 1993 ay naordinahan siya bilang pari at incardinated sa diocese ng Tagbilaran.
Hinawakan niya ang ilang posisyon gaya ng pagiging parish vicar sa Saint Vincent Ferrer sa Calape, Bohol mula 1993 hanggang 1997 at parish priest ng Santa Monica sa Albuquerque mula 1997 hanggang 2001.
Naging missionary priest ito sa Libya mula 2001 hanggang 2003 at visiting priest naman ng Our Lady Queen of Martyrs sa Centerport, New York mula 2003 hanggang 2005.















