Kinoronahan bilang bagong Miss Philippine Earth 2026 si Rina Andrea Delos Santos ng Ballesteros, Cagayan.
Tinalonito ang 31 mga beauty queens sa kumpetisyon na ginanap sa Malitbog Cultural Center sa Bukidnon.
Papalitan niya si Joy Barcoma subalit hindi ito nakarating kaya ang nagbigay ng korona ay mula kay Natalie Puskinova ng Czech Republic.
Nakuha naman ni Prima Joy Alamban ng Tumauini, Isabela ang MIss Philippines-Air; habang Miss Philippines Water ay si Alyssa Mildred Villarina ng Mandaluyong City.
Nakamit din ni Patricia Anne Nichole Bangug ng Agoo, La Union ang Miss Philippines Fire at si Roveelaine Eve Castillo ng Zamboanga del Norte ay nakamit ang Miss Philippines-Ecotourism.
Sasabak si Dels Santos sa 2026 Miss Earth Pageant kung saan susubukan nitong makuha ang ikalimang panalo ng bansa nasabing international competitions.














