-- Advertisements --

Nakikiramay si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa pamilya ng dalawang mag-aaral na nasawi sa malagim na insidente sa Cauayan South Central School sa Isabela.

Agad nagtungo si Dy sa paaralan matapos malaman ang insidente upang personal na alamin ang sitwasyon at makausap ang mga kinauukulan, ayon sa kanyang pahayag nitong Oktubre 3.

Bilang ama at kapwa Isabeleño, sinabi ni Dy na masakit tanggapin ang trahedya at walang magulang ang dapat makaranas na mawalan ng anak sa ganitong paraan.

Ipinagdasal din niya ang mabilis na paggaling ng iba pang mga batang naapektuhan at tiniyak sa mga pamilya ng mga biktima, kanilang mga kaklase, guro at buong komunidad ng paaralan ang kanyang suporta at malasakit.

Batay sa report ng PNP, dalawang estudyante ang nasawi matapos makuryente sa Color and Bubble Fun Run sa Cauayan South Central School sa Isabela kahapon, Oct. 3.

Isa pang estudyante ang patuloy na inoobserbahan sa ospital habang isa naman ang na-discharge matapos gamutin.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.