Ipinadeport ang 23 Chinese nationals matapos na ma[agalaman ang posibleng ugnayan nito sa mga iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa kabila ng patuloy na kampaniya ng pamahalaan sa tuluyang pagpapasara ng mga POGO sa bansa.
Ang mga indibidwal na ito ay napagalaman ding may mga kinahaharap na mga kaso sa China na pawang mga cyber-fraud at iba pang kaso na may koneksyon sa hindi otorisadong operasyon ng mga gaming hubs sa Pilipinas.
Ang kanila namang deportation ay bunsod na rin ng naging hakbang ng pamahalaan na tuluyan nang ipasara at masawata ang mga iligal na operasyon ng mga gaming industry sa bansa.
Samantala, magugunita naman na matapos ang naging mungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang naging State of the Nation Address (SONA) noong 2024 hinggil sa tuluyang pagsawata sa mga POGO hub operations ay naging pormal na polisiya ito nitong nakaraang buwan na siyang tinawag na Republic Act no. 12312 o Anti-POGO Act of 2025.















