-- Advertisements --

Nakatakdang magapadala ng assessment teams ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang suriin ang gumuhong bahagi ng Bukidnon-Davao Road bunsod ng tuloy-tuloy na naging pagulan sa lugar.

Agad naman iniutos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang temporary road closure ng naturang kalsada para matiyak ang kaligtasan ng publiko habang magsasagawa naman ng full investigation ang mga engineers mula sa kanilang tanggapan upang alamin ang dahilan at kung hanggang saan ang danyos nito.

Ayon pa sa kalihim, ito ay bilang pagtugon sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad na ibalik ang mobilisasyon sa lugar na siyang dumadaan sa naturang main road.

Nagsisilbi kasi bilang malaking transport link para sa mga motporista ang Bukidnon-Davao Road (BuDa Road) para makapagpadala ng mga produkto sa pagitan ng mga rehiyon sa Northern Mindanao at sa Davao regions.

Samantala, bunsod ng temporary closure, inabisuhan na muna ang mga motorista na gamitin na muna ang highway patungong Kabacan sa Cotabato Province.

Tiniyak naman ng DPWH na agad silang magbibigay ng mga panibagong ulat hinggil sa kanilang magiging imbestigasyon kapag inumpisahan na ang mismong pagsasaayos at rehabilitasyon ng naturang kalsada.