-- Advertisements --

Nagpahayag ng pakikiisa si Vice President Sara Duterte para sa selebrasyon ngayong buwan ng National Women’s Month.

Sa kaniyang pahayag, kinilala niya ang lakas ng kababaihan na siyang matagumpay na nalampasan ang bawat dagok ng mga nagdaang krisis.

Aniya, ang mga kababaihan ang sumisimbolo sa matatag na sandigan ng bansa bilang mga ilaw ng tahanan na kagyat ding bumabangon matapos ang mga panaanalasa at iba pa.

Kasunod nito ay nanawagan at hinimok din ng Bise Presidente ang publiko na makiisa sa pagsusulong ng mas matibay na suporta sa kababaihan na siyang kabilang sa mga infromal sector at iba pang sektor ng lipunan.

Aniya, nangangailangan ang mga kababaihan ng proteksyon para sa mga bahagi ng informal sector, climate-resilient support para sa mga lokal na magsasaka at pagbubukas ng mga financing access para sa mga negosyanteng kababaihan.

Kasunod nito, sinabi rin ng Pangalawang pangulo na ang pagsuporta sa kababaihan ay hindi lamang pagpapakita ng kabutihang loob ngunit isa ring estatehiya para sa pagtataguyod ng inclusivity growth sa loob ng bansa.

Sa huli, hinimok rin ng Bise ang publiko na isulong ang kinabukasan kung saan ang bawat kababaihang Pilipino ay nagbibigyan ng pagkakataong maging lider at may sapat na mga oportunidad at hindi lamang puro responsibilidad.