-- Advertisements --

Ipinahayag ni Philippine Ambassador to the U.S. Babe Romualdez na hindi nagtatago si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan, kundi humiling lamang ng isang buwang extension bago bumalik sa bansa.

Ayon kay Romualdez, nakausap niya si Bonoan sa telepono at ipinaliwanag nitong na-reschedule ang operasyon ng kanyang asawa kaya’t mananatili muna siya sa California.

Nakasaad na sa Pebrero 15 nakatakdang bumalik si Bonoan sa Pilipinas matapos ang naturang operasyon.

Pinayuhan naman siya ni Amb. Romualdez na agad na harapin ang mga isyung kinakaharap sa bansa.

Dahil sa kanyang pananatili sa Amerika, hindi makakadalo si Bonoan sa nakatakdang Senate Blue Ribbon Committee hearing sa Lunes, na tatalakay sa mga kontrobersiyang may kaugnayan sa kanyang dating posisyon.