-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao at maraming iba pa ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa labas ng isang bar sa Austin, Texas.

Itinuturing ng FBI ang insidente na may kinalaman sa terorismo.

Kinilala ang suspek na si Ndiaga Diagne, 53-anyos na isang naturalized American citizen na isinilang sa Senegal.

Ayon sa kapulisan na matapos nilang respondihan ang tawag na may barilan malapit sa Buffords bar ay kanila na ring nabaril at napatay ang suspek.

Isinugod naman sa pagamutan ang 14 na katao na sugatan sa insidente.

Habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente kung saan nakasuot ito ng damit na may nakasulat na “Property of Allah”.