-- Advertisements --

Pumanaw ang Hollywood actress na si Kaylee Hottle sa edad na 18.

Kinumpirma ng ama nito ng si Joshua Hottle matapos na masangkot sa aksidente ang anak nitong madaling araw ng Martes sa Maryland.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito sa nangyaring aksidente sa anak.

Lumipad pa ito mula Texas patungong Maryland para lamang makuha ang katawan nito.

Nagsimula si Kaylee sa paggawa ng mga commercials hanggang kunin siya sa mga pelikula gaya ng “Godzilla vs. Kong” noong 2021 at noong 2024 sa pelikulang “Godzilla X Kong: The New Empire”.

Lumabas din ito sa mga pelikula gaya ng “Magnum P.I” reboot series.