-- Advertisements --
Maraming residente sa bayan ng Tyrone, Oklahoma ang pinalikas dahil sa malawakang wildfire.
Ayon sa Texas County Emergency Management na mayroong ilang miyembro nila ang nasugatan dahil sa laki ng apoy.
Naging pahirapan ang pag-apula nila dahil sa lakas ng hangin lugar.
Iniulat din ng Department of Emergency Management sa Oklahoma ang pagkalatng apoy sa bahagi ng Beaver, Texas at Woodward counties.
Ilang libong hektarya ng lupain ang natupok ng apoy sa bahagi ng Kansas at Oklahoma.
Nagtulong-tulong na rin ang ilang mga bumbero mula sa iba’t-ibang estado para tuluyang maapula ang apoy.















