-- Advertisements --
Hinikayat ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang Department of Education (DepEd) na ituro dapat sa mga mag-aaral ang paggamit ng Emergency 911.
Sa pagdalo ng Kalihim sa National Simultaneous School Safety Drill, mahalaga na malaman ng mga mag-aaral ang kanilang tatawagan tuwing mayroong karahasan sa loob at labas ng paaralan.
Mula ng mangyari ang mga insidente ng karahasan sa mga paaralan sa bansa ay nagpakalat na sila ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa labas ng mga paaralan.
Maging ang mga barangay tanod ay tumutulong na rin sa mga pampublikong paaralan para tingnan ang mga bag ng mga estudyante at matiyak na walang mga armas na dala ang mga ito.














