-- Advertisements --
Nagpaabot din ng kanilang tulong ang Philippine Air Force (PAF) sa lokal na pamahalaan ng Bgry. Begis Poblacion sa Benguet matapos na magkaroon ng landslide sa lugar.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Cristina Basco, ipinakalat nila ang kanilang Tactical Operations Group 1 mula sa Tactical Operations Wing ng Northern Luzon para tumulong sa paglilinis ng daanang nahulugan ng mga debris mula sa landslide.
Ang hakbang aniya na ito ay bunga ng malalim na ugnayan ng PAF sa Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region.
Samantala, tiniyak naman ng PAF na patuloy silang tutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan para makapaghatid ng mas epektibong serbisyo sa publiko sa panahon ng kalamidad.