-- Advertisements --
Nasa ilalim ng banta ng rain-induced landslide at flashfloods ang kabuuang 10,327 barangay sa Luzon dahil sa muling paglakas ng hanging habagat.
Ito ay batay sa 72-hour rainfall forecast ng state weather bureau, at sa updated monitoring report ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB).
Buong Luzon ang apektado sa bagong forecast na binubuo ng mga sumusunod:
Region 1: 1,651
Region 2: 1,361
CAR: 849
NCR: 1,151
Region 3: 2,889
Region 4A: 1,491
Region 4B: 638
Region 5: 297
Hindi rin inaalis ng weather bureau at ng MGB ang posibilidad na tumaas pa ang bilang ng mga barangay na maaapektuhan ng kalamidad, lalo na kung lumala ang sitwasyon na dulot ng habagat.















