-- Advertisements --

Isang landslide ang tumama sa isa sa pangunahing starting points ng mga umaakyat sa Mount Fuji sa Japan matapos ang malakas na pag-ulan sa central Japan.

Natabunan ng debris ang tatlong sasakyan, ngunit wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, nakaranas ng matinding pag-ulan ang bulubunduking bahagi ng shizuoka prefecture mula martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga.

Dahil dito, isinara rin ang Fuji subaru line, isa sa mga pangunahing daan patungo sa Mount Fuji.

Samantala, dalawang climber ang natagpuang walang malay sa magkahiwalay na trail sa mount Fuji.

Hindi pa iniuugnay ng mga awtoridad ang insidente sa landslide, habang ipinadala na ang mountain rescue team ng pulisya.

Sa Kawanehon, Shizuoka, isa ring worker ang nasawi matapos tamaan ng hiwalay na landslide.

Malawak din ang epekto ng malakas na ulan sa Aichi at Fifu, kung saan 41 katao ang naiulat na nasugatan dahil sa pagbaha.

Sa Nagoya, umabot sa record na 104.5 millimeters ang ulan sa loob lamang ng isang oras.

Inaasahang magpapatuloy ang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Japan hanggang Miyerkules ng hapon.