-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Narekober na ng search and rescue team ang mga labi ng anim na katao na sakay ng bumagsak na Super Huey helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur kahapon, bandang alas-10:55 ng umaga.

Ayon kay Col. Christina Basco, tagapagsalita ng PAF, sa panayam ng Bombo Radyo, kabilang sa mga nasawi ang dalawang piloto at apat na crew member na pawang miyembro ng kanilang search and rescue group. Kasama nila sa operasyon ang tatlong iba pang helicopter units.

Ang naturang chopper ay galing sa Davao City at patungo sana sa Butuan City upang mag-preposition at maghatid ng ayuda para sa mga biktima ng Bagyong Tino, nang mawalan ito ng komunikasyon sa iba pang helicopter na kasabay sa misyon.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng naturang helicopter.