Umabot sa 144 milyong international visitors ang bumisita sa Southeast Asia noong 2025, ayon sa ulat ng mga ASEAN tourism ministers sa 29th ASEAN Tourism Ministers Meeting sa Cebu.
Kasabay nito, inaprubahan ng mga ministry ang bagong lima-taong plano (2026–2030) na naglalayong palakasin ang global brand ng ASEAN, mapabuti ang connectivity, at hikayatin ang multi-country travel sa rehiyon.
Nabatid na nakatuon sa joint regional marketing, co-branded campaigns, at digital promotions ang limang taong strategy ng ASEAN upang ipakita na isang seamless tourism market ang ASEAN, sa halip na iba-iba ang mga ito.
Binanggit din ng mga opisyal ang cruise tourism bilang bagong oportunidad sa paglago, pati na rin ang pagpapabuti ng port infrastructure at travel facilitation.
Binibigyang-diin din ang kahalagahan ng sustainable at kalidad na turismo na sumusuporta sa kalikasan at komunidad.
Napag-alaman naman na ang susunod na ASEAN Tourism Ministers Meeting ay gaganapin sa Singapore sa Enero 2027.













