-- Advertisements --
Nananatiling wala pa ring talo ang men’ baseball team ng bansa na sumasabak ngayong sa 33rd Southeast Asian Games.
Ito ay matapos na talunin nila ang Malaysia 21-0 sa limang innings sa laro na ginanap sa Pathum Thani, Thailand.
Sinabi ni coach Orlando Binarao, na kanilang tinatato ang bawat laro bilang championship games.
Hindi aniya sila nagrerelaks hanggang makamit ang gintong medalya.
Una ng tinalo nila ang Indonesia 14-0 at Singapore 17-3 kung saan susunod na makakaharap nila ang Vietnam sa araw ng Martes, Disyembre 9.
Matatapos ang single round elimination sa Huwebes, Disyembre 11 kung saan ang dalawang top teams ay maghaharap para sa gold medal sa Biyernes.















