Masayang ibinahagi ni Pinay tennis star Alex Eala na ito ay nakasama sa listahan ng prestisyosong 2025 MGM Macau Tennis Masters.
Sinabi nito na isang karangalan ang nasabing paglalaro sa torneo na magsisimula mula Disyembre 27 hanggang 28.
Unang makakaharap niya si world number 9 Mirra Andreeva ng Russia sa women’s single sa araw ng Linggo.
Nakaharap na ni Eala ang Russian tennis player noong 2022 US Open kung saan tinalo niya ito para maging unang Pinay junior Grand Slam champion.
Magsasama rin ang dalawa sa second-round finish sa doubles sa parehas na torneo.
Bukod pa dito ay maglalaro din si Eala sa mixed doubles kung saan makakasama niya si ATP No. 253 Jerry Shang ng China.
Magugunitang kagagaling lamang ni Eala sa Southeast Asian Games kung saan naiuwi niya ang kauna-unahang makasaysayang gintong medalya.















