Haharapin na ng dalawang southeast asian tennis player na sina Alex Eala at Janice Tjen ang dalawang European tennis star na sina Tereza Mihalikova at Olivia Nicholls.
Paglalabanan ng mga ito ang isang finals spot sa finals ng WTA 500 Mubadala Abu Dhabi Open doubles category.
Kung ibabatay sa WTA ranking, lamang ang dalawang European players kung saan hawak ni Mihalikova ang rank No. 28 habang ika-26 naman ang kasalukuyang pwesto ni Nicholls.
Sa kabila nito, dati nang napatunayan nina Eala ang liksi sa tennis court matapos nilang pataubin ang second seeds Cristina Bucsa at Shuai Zhang sa quarterfinals ng naturang turneyo.
Magsisimula mamayang alas-8 ng gabi (PH time) ang naturang laban.
Samantala, bagaman pareho nang natanggal sa singles ng Abu Dhabi Open ang tinaguriang ‘SEAsters,’ inaasahan ang pagsabak pa nila sa mga susunod na WTA-sanctioned tournament.
Kabilang na dito ang WTA 1000 Qatar Open kung saan kasama na ang Pinay star sa main draw. Nakatakda ang naturang laban sa Pebrero 8-14.














