-- Advertisements --

Umabot na sa 64,360 pamilya ang apektado ng Bagyong Basyang, na may international name na Penha, at isa na lamang low pressure area (LPA).

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, binubuo ng 232,550 pamilya ang mga naapektuhang indibidwal na naninirahan sa 517 barangay sa Region 6 o Western Visayas, Negros Island Region, Region 7 o Central Visayas, at Caraga.

Sa kasalukuyan, 16,528 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 480 evacuation centers, habang 4,489 pamilya naman ang patuloy na binibigyan ng tulong kahit nasa labas ng mga evacuation center.

Ipinaliwanag ng Office of Civil Defense na ang tinutukoy na mga apektadong pamilya ay ang mga napilitang lumikas dahil sa masamang panahon, pati na ang mga nanatili sa kanilang mga tahanan ngunit naapektuhan ng sama ng panahon at hindi na kinailangang ilipat.

Samantala, 82 pantalan sa Mimaropa, Region 6, Negros Island Region, at Caraga ang napilitang magsuspinde ng operasyon.

Dahil dito, 4,447 pasahero, 1,481 rolling cargoes, 111 barko, at 20 motorbanca ang nai-stranded.

Patuloy naman ang monitoring ng mga awtoridad habang ipinagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong lugar.