-- Advertisements --

Pasok na sa women’s doubles semifinals ng Abu Dhabi Open si Alex Eala at kasamang si Janice Tjen ng Indonesia.

Tinalo ng dalawa ang kumbinasyon nina Zhang Shuai China at Cristina Bucsa ng Spain sa score na 6-3, 6-3 sa quarerfinals.

Mula sa simula ay dominado nina Eala at Tjen ang laro kaya tinapos nila ito sa loob ng isang oras at anim na minuto.

Una nilang tinalo sa first round sina Leylah Fernandez at Kristina Mladenovic.

Susunod naman na makakaharap nila sina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain.