-- Advertisements --

Pasok na sa singles quarterfinals ng Abu Dhabi cup si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na malusutan niya ang three-set games laban kay World number 109 na si Aliaksandra Sasnovich ng Belarus.

Nakuha ng Pinay tennis star ang kumpiyansa sa loob ng tatlong set sa score na 2-6, 6-4 at 7-6.

Sa unang set ay naging agresibo ang Belarusan tennis player.

Pagpasok ng ikalawang set ay nakontrol ni Eala ang laro kaya umabot ng three set ang laro.

Naging hamon para sa 20-anyos na si Eala ang ikatlong set dahil sa mga late error nito subalit kaniyang nalampasan ito matapos ang laro sa error na nakamit ng Belarusan tennis player.

Susunod na makakaharap ni Eala si Ekaterina Alexandrova ng Russia na siyang ranked number 11 ng Women’s Tennis Association.