Napiling maging host ang Pilipinas ng kauna-unahang Southeast Asian Plus Youth Games o SEA Plus YG sa taong 2028.
Ang nasabing torneo ay isang paghahanda sa mga atletang may edad 17 pababa para sa Asian Youth Games at ang Youth Olympic Games (YOG).
Ito ay binuo sa pamamagitan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino kung saan siya rin ang founding president.
Nakakuha si Tolentino ng suporta mula sa siyam na national Olympic committee (NOC) presidents ng mga bansang Thailand, Indonesia, Malaysia, Laos, Cambodia, Myanmar, Vietnam at Timor Leste.
Tiniyak din sa kanila ng Olympic Council of Asia (OCA) ang tulong na ibibigay para sa ikakatagumpay ng nasabing torneo.
Dagdag pa ni Tolentino na ang SEA Plus YG ay siyang kasagutan sa Southeast Asia na humuhubog sa mga atleta.
Pagkatapos ng 2028 ay magiging kada dalawang taon na gaganapin ang SEA Plus YG.
















