-- Advertisements --

Nagbigay ng reaksyon ang Malacañang sa naging biro ni Ms. Sharon Cuneta hinggil sa umano’y pagkakamali ng Pangulo sa pagpili ng kaniyang running mate noong May 2022 elections.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, opinyon ni Cuneta ang naturang pahayag at maaaring ito rin ang nararamdaman ng ilang mamamayan. Gayunman, sinabi ni Castro na napangiti lamang ang Pangulo sa nasabing biro at wala itong ibinigay na komento kung siya ba ay sumasang-ayon o hindi.

Dagdag pa ni Castro, mas nagandahan pa umano ang Pangulo sa pag-awit ni Sharon ng “Bituing Walang Ningning.”

Nag-perform kasi ang megastar sa ginanap na Evening with the Stars at nakipag-usap sa mga audience pati sa Pangulo. 

Dito nag-biro si Cuneta kay Pang. Marcos tungkol sa kanyang naging pagpili ng bise presidente noong May 2022 elections, na nagtawag ng halakhak mula sa mga panauhin.  

Humirit kasi si Ms Sharon kay PBBM habang nakangiti na iisa lang ang kaniyang vice president at tinutukoy ang kaniyang ka-date at sinambit nito na mali your choice, no?

Nagpahayag naman si Cuneta ng buong suporta sa administrasyon ni Pangulong Marcos.