-- Advertisements --

Isinasapinal na ng Philippine Air Force (PAF) ang imbestigasyon nito sa pagbagsak ng isang Super Huey helicopter sa Agusan Del Sur na ikinasawi ng anim na katao.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Christina Basco, nasa ‘final phase’ na ang investigation team kung saan sinusuri ng mga ito ang lahat ng salik na posibleng naka-apekto sa pagpapalipad sa bumagsak na air asset.

Kabilang dito ang human error, isyu sa kalidad ng helicopter, kasama ang posibleng organizational at environmental factors.

Bahagi rin ng pagsisiyasat ang retrieval o pagkuha sa lahat ng parte ng naturang helicopter na maaaring makapagbigay ng paliwanag kung bakit nangyari ang air mishap.

Kung babalikan, magsasagawa sana ng humanitarian assistance and disaster response (HADR) mission ang mga sundalo para sa mga biktima ng bagyong Tino sa Mindanao at Visayas noong mangyari ang insidente.

Ang mga nasawi ay pawang mga miyembro ng 505th Search and Rescue Group ng Phil. Air Force. (report by bombo Jai)