-- Advertisements --

Hindi sinang-ayunan ng prosecutors ang hiling ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte na iapila ang naunang desisyon ng Internatioanl Criminal Court (ICC) na hindi malusog para dumalo sa pagdinig.

Kasabay din ay ang pagbasura sa hiling ng indefinite adjournment.

Sa siyam na pahinang pleading na may petsang Pebrero 12 at pirmado ni deputy prosecutor Mame Mandiaye Niang, na hindi sumasang-ayon ang mga abogado ni Duterte sa ICC Pre-Trial Chambaer 1 na inilabas noong Enero 26 ruling at hindi na nagbigay pa ng anumang appealable issue.

Kinontra rin ng prosecution ang ilang mga isyu na inilabas ng kampo ni Duterte sa isyu ng apila.

Isa dito ay ang pagbalewala ng Chamber sa clinical evidence ukol sa kalusugan ng dating Pangulo; pagbasura ng Chamber sa hiling nila na kuwestiyunin ang mga miyembro ng panel sa pamamagitan ng evidentiary hearing; bigo umano ang Chamber na patunayan na may malusog ang dating pangulo para sa pagdalo sa pagdinig at hindi pag-aalala ng Chamber sa kahinatnan sa kalusugan ni Duterte kapag ipinagpatuloy ang pagdalo sa confirmation hearing.

Dagdag pa ng prosecutor na naging maingat ang Chamber sa pagpili ng mga eksperto para tumingin sa kondisyon ni Duterte.

Magugunitang nakatakda sa Pebrero 23 hanggang 27 ang confirmation of charges hearings ng dating pangulo.