-- Advertisements --

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatuloy nito ng ”transparency initiative” in the West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng patuloy na sagutan sa pagitan ng Philippine officials at ng Chinese Embassy.

Iginiit ni AFP spokesperson for the WPS ear Adm. Roy Vincent Trinidad, mahalaga ang nasimulan nitong kampaniya upang ipabatid sa publiko ang aggresibo at iligal na aksyon ng China sa teritoryo ng Pilipinas at ang patuloy na pagtindig ng Pilipinas sa karapatan nito sa pinag-aagawang karagatan.

Mahalaga rin ang naturang inisyatiba aniya upang kontrahin ang pagtatangka ng mga dayuhan na impluwensiyahan ang maraming Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa WPS.

Tungkulin din aniya ng AFP na suportahan ang pamahalaan ng Pilipinas hindi lamang sa pagprotekta sa buong teritoryo ng bansa, kungdi sa pagpapalaganap sa katotohanan ukol sa naturang karagatan, kung saan malaking bahagi nito ay pag-aari ng Pilipinas.

Ayon kay Trinidad, ang paninindigan ng AFP sa ilalim ng transparency initiative ay ang sabihin ang totoong kwento: na ang WPS ay pag-aari ng Pilipinas, sa kabila ng aggresibong pangangamkam ng China.

Umaasa rin ang opisyal na ngayon at nagiging malawakan ang pagtalakay ukol sa pinagtatalunang karagatan ay mas maraming Pilipino pa ang mamumulat sa katotohanang saklaw ng soberanya ng Pilipinas ang WPS na suportado ng 2016 Arbitral Ruling.