Agad na nagkasa ng aerial inspection ang Office of Civil Defense (OCD) katuwang ang Philippine Air Force sa Davaoa Region upang magsagawa ng rapid assessments sa naging epekto ng magnitude 7.4 na lindol sa rehiyon.
Ito ay sa pangunguna ni OCD Region XI Regional Director Ednar Dayanghirang kasama ang Tactical Operations Group Region XI mula sa Eastern Mindanao Command para mabilis na matukoy ang lawak ng pinsala at danyos na na naitala sa rehiyon maging ang mga pangangailangang pangunahing kinakaiangan ng mga apektadong residente.
Samantala, itinaas na sa ngayon ang Red Alert Status sa Emergency Operations Center ng OCD-NDRRMC XI para sa mas mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan at para sa mas mabilis na disaster response sa rehiyon.
Patuloy naman ang koordinasyon ng mga ahensya sa lokal na pamahalaan ng Davao Region upang makapagpaabot agad ng mga karagdagang tulong at assistance sa mga residente sa lugar.