-- Advertisements --

Ikinasa ng Office of Civil Defense (OCD) ang isang Command Conference upang talakayina ng pagpapalakas ng pagresponse ng pamahalaan sa mga sakuna o kalamidad na nararanasan ng bansa.

Ito ay pinangunahan ni OCD Usec. Harold Cabreros na siyang naghanda ng seven-point agenda para sa pagpupulong.

Binigyang diin din ng pagpupulong ang pagppalakas ng mga pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagkakasa ng review sa mga nakalipas na operational activities.

Layon din nito na paigtingin ang koordinasyon ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.

Samantala, kasama din sa tinalakay sa naging command con ang pagtukoy sa mga gap o mga naging hamon na kanilang kinaharap sa pagtugon sa mga sakuna upang agad itong mabago at maresolba para sa mas maayos at mainam na emergency response.