-- Advertisements --

Namahagi rin ng kanilang paunang tulong ang mga tropa mula sa Philippine Army partikular na ang Disaster Response Teams mula sa 53rd Engineer Brigade, sa mga residenteng apektado ng pananalasa ng bagyo.

Ayon sa Hukbong Katihan, una na silang nagsagawa ng clearing at rescue operations sa mga apektadong residente sa bahagi ng Medellin sa lalawigan ng Cebu.

Katuwang nila rito ang lokal na pamahalaan at maging ang Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang pagtugon ng Philippine Army sa mga lugar na siyang tinamaan ng kalamidad habang nakadeploy na rin ang iba pang tropa ng militar sa iba pang mga rehiyon na siyang apektado rin ng bagyo.