-- Advertisements --

Pormal na naupo bilang Philippine Army chief si Lieutenant General Donald Gumiran.

Siya ang pang-68 na Philippine Army chief kung saan pinalitan niya si General Antonio Nafarrete na itinalaga naman noong nakaraang buwan bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) chief.

Sa kaniyang talumpati inilatag nito ang ilang mga programa na tumututok sa pagbabago, kahandaan, nation-building, organizationl development at ang pagkakaroon ng takot sa Diyos na siyang gagabay sa kaniyang tungkulin.

Naging panauhin pandangal naman sa turn-over ceremony sa Fort Andres Bonifacio sa Taguig City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung saan hinikayat niya si Gumiran na panatilihin ang tapat na tungkulin ng isang sundalo at magkaroon ng tiwala sa mga sundalo.

Binigyang halaga ng Pangulo ang papel ng sundalo sa pagresponde tuwing mayroong nagaganap na kalamidad gaya ng bagyo at iba pa.