-- Advertisements --

Ipinagdiwang ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang 75th anibersaryo ng 1951 Mutual Defense Treaty.

Nagpulong sina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Antonio Nafarrete at US Pacific Command chief Adm. Samuel Paparo kung saan pinagtibay nila ang ugnayan ng dalawang bansa.

Kasabay nito ay pinirmahan nila ang 8-Star memo o joint defense agreement.

Ang dalawa kasi ay co-chairng taunang Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB).

Inaprubrahan din sa board ang gaganapin na mas malakihang military exercises.

Itinaguyod ang Mutual Defense Board noong 1958 habang ang Security Engagement Board ay noong 2006.