Balak na mas palakasin pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagsasagawa ng mga Information, Education and Communication Campaigns bunsod ng sunod-sunod na pagtama ng mga kalamidad at lindol sa bansa.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, mahalagang bigyang pansin ang paglulunsad ng mga mas pinaigting na earthquake protocols para maturuan ang mga mamamayan sa kung ano ang dapat nilang gawin bago, habang at matapos ang lindol.
Nakikita kasi aniyang pangunahing delubyo ng NDRRMC sa ngayon ay ang pagpapakalat ng mga tamang impormasyon sa publiko, at pagpapalawak ng kaalaman ng mga residente sa tamang preparasyon bago tumama ang lindol.
Samantala, ito naman aniya ay bilang pagtugon sa ibinigay na direktiba ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro na dapat iangkop sa bawat komunidad ang pagpapatupad ng mga protocols.