Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang performance-based bonus (PBB) ng mga miyembro ng Philippine Navy, Philippine Air Force (PAF) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Sa isang statement ngayong Martes, Oktubre 21, sinabi ng DBM nasa mahigit 25,000 kwalipikadong opisyal at empleyado ng Navy ang saklaw ng PBB.
Kung saan makakatanggap bawat isa ng katumbas sa 48.75% ng kanilang buwanang basic salaries noong Disyembre 31, 2023.
Sa PAF personnel naman, makakatanggap ang bawat 19,803 na kwalipikadong personnel ng katumbas ng 52% ng kanilang buwanang sahod, base noong Dec. 31, 2023
Sa NICA naman, makakatanggap ng PBB ang 896 na kwalipikadong opisyal at empleyado na katumbas ng 52% ng kanilang basic salaries, base noong Dec. 21, 2023.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, ang pagbibigay ng PBB ay patunay ng suporta at pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng naturang mga ahensiya na patuloy sa pagprotekta sa mamamayang Pilipino mula sa mga banta na madalas na nahaharap sa matitinding banta at sakripisyo.