Inilagay na ng Philippine Air Force (PAF) ang lahat ng units at personnel nito sa standby alert status dahil sa pananalasa ng bagyong Ada.
Ayon sa PAF, nakahanda na ang air at land assets ng hukbo at marami sa mga ito ay naka-preposisisyon sa iba’t-ibang strategic areas, lalo na sa mga inaasahang maaapektuhan ng bagyo.
Idedeploy ang mga naturang asset, kasama ang sapat na personnel sa mga isasagawang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations.
Nakahanda rin ang mga asset ng hukbo na magsagawa ng rapid response operations, maglaan ng life-saving assistance, at iba pang national disaster management efforts sa kasagsagan hanggang sa matapos ang pananalasa ng bagyo.
Ayon pa sa hukbo, bukas ang lahat ng linya ng komunikasyon nito sa mga lokal na pamahalaan at local disaster agencies para sa anumang humanitarian operations kaugnay ng bagyo.
















