Umabot na sa 2,816 katao ang inilikas ng dahil sa pananalasa ng bagyong Ada.
Ito ay katumbas ng 997 pamilya na kasalukuyan ngayong nasa 22 evacuation center.
Sa kabuuan, umabot na sa 63,882 katao ang natukoy na apektado na katumbas ng 23,022 pamilya. Ang mga ito ay mula sa 90 barangay sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga Region.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Disaster Response Management Office, nagpapatuloy pa rin ang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan na paglikas sa ilang residente na apektado ngayon ng mga serye ng pagbaha dahil sa walang-tigil na pag-ulan, kaya’t inaasahang magbabago pa ang naturang datus.
Nakapagpadala na rin ang gobiyerno ng daan-daang family food packs sa mga evacuation centers na kinarorooan ng mga biktima ng bagong bagyo.
Sa kasalukuyan, mayroong halos P3.4 billion na halaga ng relief resources ang Pilipinas para sa mga biktima ng kalamidad na binubuo ng mahigit P75 million na quick response fund at P3.3 billion halaga ng food at non-food items.
















