Sinabi ni VP Sara Duterte na hindi prayoridad ng kanyang opisina ang pagbabantay sa mga impeachment proceedings laban sa kanya. Nang tanungin kung minomonitor niya ang mga kaganapan sa House of Representatives, sagot ng pangalawang Pangulo na marami siyang ginagawang ibang trabaho.
Inaasahan ng Kongreso nitong Miyerkoles na magdesisyon kung sapat ang nilalaman ng dalawang impeachment complaints laban kay Duterte upang ituloy ang kaso.
Si VP Duterte, na kamakailan ay inanunsyo ang kanyang kandidatura sa halalan sa pagkapangulo sa 2028, ay na-impeach ng House of Representatives noong nakaraang taon, ngunit tinanggal ng Korte Suprema ang kaso dahil sa mga teknikal na isyu sa proseso.
Ang muling impeachment effort ay nakabatay sa alegasyon na diumano’y maling paggamit ng pondo publiko ni Duterte habang nasa tungkulin.
Kabilang din sa mga akusasyon ang banta sa buhay laban sa dati niyang alyado at kasalukuyang Pangulo Ferdinand Marcos Jr., na kasalukuyang may tensiyong pampulitika kay Duterte.
Mariin namang itinanggi ni VP Duterte ang lahat ng paratang.
Ayon sa Saligang Batas, ang impeachment ay magtutulak sa isang pagdinig sa Senado, at kung mapatunayang may sala, maaaring maalis si Duterte sa politika at hindi makalahok sa 2028 presidential race. (report by Bombo Jai)
















