-- Advertisements --

Pumalo na sa P18.13 trillion ang utang ng Pilipinas noong katapusan ng buwanng Enero.

Base sa datos ng Bureau of Treasury (BTr) na ang utang ng bansa ay tumaas ng 11.2 percent kumpara noong Enero 2025 na mayroong P16.31 trillion.

Kada buwan ay tumataas ang 2.4 percent ang tinatawag na sovereign fund.

Nahigitan nito ang record-high na P17.71 trillion na utang ng gobyerno na naitala noong Disyembre 2025.

Nangangahulugan nito na nadagdagan ng P426.15 bilyon ang utang ng bansa sa pagtatapos sa unang buwan ng 2026.

Tiwala naman ng BTr na ang nasabing level ay sustainable kahit na mayroong mga hamon mula sa domestic at global landscape.

Hindi pa rin aniya naabot ang pinakasagad na full-year borrowing program ng Marcos administration na aabot sa P19.06 trillion.