-- Advertisements --

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pagtatalaga ng USS Nimitz na siyang aircraft carrier ng Estados Unidos sa Middle East bunsod ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Iran at Israel ay hindi makakaapekto sa maritime security sa West Philippine Sea.

Ito ay bilang pagresponde ng Estados Unidos sa tumitinding giyera sa pagitan ng dalawang mga bansa.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang pagpull-out sa naturang aircraft carrier ay hindi kakulangan sa pwersa ng mga militar sa Indo-Pacific, partikular na sa seguridad sa WPS at maging sa mga maritime actvities ng Hukbong Dagat.

Aniya, ang kagandahan sa pagkakaroon ng maritime power ay ang pagiging ‘dynamic’ nito at hindi ‘static’.

Dagdag pa niya hindi lamang sila nakatuon sa iisang bahagi o teritoryo ng bansa ngunit nagsasagawa rin ng mga patrolya sa iba pang bahagi ng katubigan ng bansa na siyang maihahalintulad din aniya sa kung paano ang nagiging approach ng ibang mga nasyon sa mga conflicts o potential hotspots.

Ani Trinidad, ito ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng Naval Force kung saan itatalaga ang pwersa kung saan ito pinaka-kinakailangan.

Samantala, muli namang nanindigan ang AFP na mananatili ang kanilang presesniya at pagpapatrolya sa mga katubigan at teritoryo ng bansa sa katubigan ng WPS para matiyak na hindi nakokompormiso ang seguridad at napoprotektahan rin ang soberaniya ng Pilipinas.