-- Advertisements --

Nakarating na sa Pilipinas ang dalawang barko ng Japan Maritime Self-Defense Force na kinabibilangan ng JS ISE at ng JS SUZUNAMI bilang bahagi ng kanilang deployment sa Indo-Pacific ngayong taon.

Ang pagdating mga sasakyang pandagat ay mainit na tinanggap ng Philippine Navy at nagsagawa rin ng disembarkation ceremony para sa mga opisyal ng hanay mula sa iba’t ibang mga bansa na siyang nakilahok sa Ship Rider Cooperation Program.

Layon ng pagtatalaga ng mga barko na mas palakasin pa ang regional security sa pamamagitan ng pagsasagawa na continous joint exercises kasama ang Hukbong Dagat ng Pilipinas sa Indo-Pacific Region.

Dagdag pa sa mga layunin nito na mapalalim pa ang tactical capacities ng JMSDF at maging ang pagbuo rin ng tiwala sa mga bansang kanilang kasapi para sa suporta sa multilateral defense cooperation sa naturang rehiyon.

Samantala, ang pagdaong ng mga naturang barko ay patunay lamang na patuloy na nakikiisa ang Japan sa pagpapalaganap ng katatagan, kapayapaan at maging pagpapatupad ng seguridad sa mga bansa sa Indo-Pacific.