Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) na walang nagsasamantala sa presyo ng school supplies kaugnay sa nalalapit na pasukan ng mga estudyante.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na nais ng Pangulo na matiyak na naaayon sa tamang presyo ang kailangan ng mga estudyante sa pasukan at mabantayan ang presyo sa mga pamilihan upang hindi mahirapan lalo na ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Dahil dito inatasan ng Pangulo ang DTI na siguraduhin na naayon ang mga school supplies sa tamang presyo.
Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo, personal na nag-ikot si DTI Secretary Cristina Roque sa mga malaking pamilihan tulad ng Divisoria para alamin ang presyo ng school supplies.
Dito nakita na may may pagbaba sa presyo ng 29 na school items mula piso hanggang P10.
Sinabi ni Castro na naglabas na rin ng price guide ang DTI para magkaroon ng gabay ang mga magulang sa tamang pres-yo ng school supplies ngayong papalapit na ang pasukan.
Inihayag din ni DTI Secretary Maria Cristina Roque na stable ang presyo ng mga school supplies sa mga pamilihan.