-- Advertisements --

Nagkaroon pa lalo ng otorisasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makita at ibahagi ang mga financial account information ng hindi nilalabag ang bank secrecy o data privacy laws.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) sa ilalim ng Circular 1214 na pinapayagan ang Consumer Account Protection Office (CAPO) na magsagawa ng inquiry sa banko,e-wallet o ibang mga financial accounts na hinihinalang ginagamit sa scams kabilang ang phishing, money muling at social engineering schemes.

Nakasaad sa panuntunan ng CAPO na maaari nilang simulan ang inquiry kapag nagsumite ng request ang mga otoridad gaya ng ilang mga government o law enforcement agencies.

Mararapat aniya na ito ay suportado ng mga dokumento gaya ng transaction records at affidavits.

Magpapalabas ng inquiry order ang BSP na nag-aatas sa financial institution na magsumite ng lahat ng mga kailangan na dokumento na kahit na hindi ipaalam sa may-ari ng account.